Target ni Asian at SEA Games champion skateboarder Margielyn Didal na makasalang sa 2021 Tokyo Olympics. Rank 14 sa world ranking si Didal sa mga babaeng skateboarders sa mundo. Kaya naman, kuwalipikado siya kung Top 20 ang isasalang sa Olympics.
Aniya, hamak ang tingin ng karamihan sa skateboarders. Lalo na’t akala ng iba na larong kanto lang ito.
“We look dirty because we are trying to land a trick and we get dusty,” saad ni Didal sa isang panayam ng Tokyo2020.org.
“Most people, when they see a skateboarder, they say ‘you don’t have a future there, they are just hanging on the street.”Dahil sa kanyang karangalang ibinigay sa bansa, nag-iba ang pananaw ng mga tao sa skateboarding.
“I’m confident I’ll qualify,” saad 21-year-old na si Didal sa ginanap na online Philippine Sports Commission Hour.
“Umaasa tayo ngayon na makakabilang sa Olympics at magiging champion sa mundo,” aniya.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison