June 7, 2025

CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?

MAY INIT NA ROMANSA nga ba sa pagitan ng beteranang aktres na si Charo Santos at heartthrob na si Dingdong Dantes? ‘Yan ang tanong ng bayan habang papalapit ang premiere ng pelikulang “Only We Know” ngayong June 11.

Pero teka, tikom ang bibig ng writer-director na si Irene Villamor at buong production. Sa halip na sumagot, pa-misteryo pa sila kung may halikan o lambingan nga bang mangyayari sa pelikula.

“Manood muna kayo!” ang tila sagot nila.

Ang “Only We Know” ay isang romantikong kwento ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong may agwat sa edad, pero tinatampok ang tunay na koneksyon at hindi lang basta physical na atraksyon.

Sa media huddle noong Mayo 26, sinabi ni Charo:

“It’s a story about love, no labels. Finding love in each other.”

Habang si Dingdong naman ay tanong ang iniwan:

“Must all relationships be labelled?”

Ang karakter ni Betty (Charo) ay isang retired English teacher na naglalakbay sa bagong yugto ng kanyang buhay. Dito niya nakilala si Ryan (Dingdong), isang guwapong engineer na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang asawa. Sa kanilang pagkakaibigan, natagpuan nila ang aliw at pag-unawa sa isa’t isa.

Sa likod ng kamera, na-pressure si Ma’am Charo nang sigawan siya ng direktor sa isang intimate scene.

“Hindi ka si Ma’am Charo ngayon, ikaw si Betty!” sigaw daw ni Direk Villamor, matapos mapansing nagho-hold back ang batikang aktres.

Kaya kahit first time, uminom daw ng alak si Charo on set — wine at beer, hanggang medyo nalasing — para maramdaman ang karakter.

“Parang Meryl Streep moment ko ‘yon,” sabi niya.

Sa kanyang Facebook post, inamin ni Charo na excited pa rin siyang tumanggap ng bagong hamon bilang aktres.

“I want to stay active. I want to stay engaged. I still want to learn,” post niya.

Kasama rin sa pelikula sina Shamaine Buencamino, Al Tantay, Max Collins, Johnny Revilla, Rafa Siguion Reyna, at Gil Cuerva. Produksyon ito ng Cornerstone Studios, AgostoDos Pictures, Star Cinema at 7K Entertainment.

Kaya tanong ng madla: may nangyari nga ba kina Charo at Dingdong sa pelikula? LAPLAPAN O WALA? Malalaman ‘yan sa sinehan!