
MANILA — Tuloy-tuloy ang good news sa hapag-kainan ng bawat Pilipino.
Bumagsak nang todo ang presyo ng bigas nitong Mayo 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Umabot na sa -12.8% ang “rice inflation” kumpara sa presyo nito noong parehong buwan ng 2024 — mas mura na, mas abot-kaya pa.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ito na ang ikalabing-isang sunod na buwan na bumaba ang presyo ng bigas. Ang average mula Enero hanggang Mayo? Negative 7.7%.
Presyo ng Bigas Ngayon:
- Regular milled rice: P43.19/kilo (mula P51.11/kilo)
- Well-milled rice: P49.45/kilo (mula P56.06/kilo)
- Special rice: P59.80/kilo (mula P64.41/kilo)
Ayon kay Mapa, unti-unti nang lumalawak ang bentahan ng P20 kada kilo na bigas para sa mga 4Ps beneficiaries, senior citizens, PWDs, at solo parents.
Sinabi rin ng Department of Agriculture (DA) na palalawakin pa ang P20 rice program at pinag-aaralan na rin ang pagbaba ng suggested retail price (SRP) para sa imported rice.
Ayon sa DA, bawat P100 na ginagastos ng karaniwang Pilipino, P9 ay napupunta sa bigas. Sa mga pinakamahihirap, doble ito.
Sa Bacolod pa lang, umabot na sa 87 outlets ang nagbebenta ng P20 bigas—mas mataas sa target na 55 bago matapos ang Hunyo.
Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.: Palawigin ang P20 rice program hanggang Hunyo 2028 at tiyaking aabot ito sa 60 milyong Pilipino!
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM