
HIMAS-REHAS ang 51-anyos na mister na wanted sa kasong rape matapos makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa nila ang pinaigting na pagtugis sa akusado na residente ng Brgy. Bayan-Bayanan.
Ayon kay Col. Baybayan, ang akuado ay nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa NPD at nasa talaan naman ng Malabon CPS bilang Top 7 MWP.
Dakong alas-4:30 ng hapon nang tuluyang matiklo ng mga tauhan n Malabon Police Sub-Station 7, at Warrant and Subpoena Section ang akusado sa Don Basilio Bautista Boulevard, Barangay Hulong Duhat.
Maayos namang naisilbi sa akusado ang arrest warrant na inilabas ng Malabon City Familt Court Branch 4, noong May 19, 2025 para sa kasong Rape in relation to Section 5 (b) ng R.A 7610 na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodiaql facility unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinapurihan naman ni Gen. Ligan ang Malabon City Police Station para sa kanilang mabilis at maayos na pagpapatupad ng utos ng hukuman.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM