
MANILA — Nanawagan si Senator Win Gatchalian na gawing mas matatag ang ugnayang panseguridad sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU) sa gitna ng patuloy na pagbabago sa pandaigdigang kalagayan, kasabay ng isinagawang PH-EU Dialogue on Defense and Security.
Ayon kay Gatchalian, ang nasabing dayalogo ay isang “napapanahong pagkakataon” upang paigtingin ang palitan ng impormasyon, pagbutihin ang koordinasyon, at palakasin ang kakayahang depensibo ng bansa.
“Habang umuusbong ang mga bagong banta tulad ng cyber attacks, foreign interference, at transnational crimes, kailangang sabayan natin ito ng mas modernong estratehiya upang mapanatili ang ating soberanya at katatagan,” pahayag ng senador.
Dagdag pa ni Gatchalian, mahalagang itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang may malasakit sa demokrasya, soberanya, at kapayapaan.“Patuloy sana nating palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga kapwa nating bansa na pinangangalagaan ang demokrasya, pinahahalagahan ang soberanya, at matatag na naninindigan para sa kapayapaan at pamamayani ng batas,” aniya. Ang PH-EU Dialogue ay bahagi ng patuloy na diplomatic at security cooperation ng Pilipinas sa mga kaalyado nito sa Europa upang tugunan ang mga hamon ng kasalukuyang panahon.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM