June 6, 2025

Lalaki na wanted sa statutory rape sa Valenzuela, arestado

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 22-anyos na kelot na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinaang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, napag-alaman ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo na nasa No. 2 Top Most Wanted Person sa lungsod ang akusado na si alyas “Jeric”, dahil sa kasong Statutory rape.

Nang makatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section hinggil sa kinaroroonanan ng akusado, agad nilang ikinasa ang joint operation, kasama ang Intelligence Section na nagresulta sa pagkakaaaresto kay kay alyas Jeric dakong alas-4:10 ng hapon sa Brgy., Gen T De Leon.

Si alyas Jeric ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Arnedo sa bisa ng warrant of arrest na inilibas ng Valenzuela City Family Court, Branch 16 noong May 23, 2025 para sa kasong Statutory Rape as amended by R.A. 11648 na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police Station sa kanilang mabilis at wastong pagpapatupad ng utos ng korte, na nagbibigay-diin sa kanilang pangako sa katarungan at kaligtasan ng publiko.