November 3, 2024

WWE legend ‘Kamala’, pumanaw dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19

Pumanaw na si WWE legend ‘Kamala’ sa edad na 70. Si ‘Kamala’ o James Harris sa tunay na buhay ay namatay dahil sa komplikasyon sa COVID-19.

Si Harris ay nagdurusa ng ilang taon sa diabetes. Katunayan, pinutol ang kanyang mga paa dahil dito. Noong Agosto 5, nagpositibo siya sa Coronavirus.

Kinumpirma naman ni Kenny Casanova, (co-author ni Harris sa kanyang autobiography) ang pagpanaw ng wrestler.

 “To make matters worse, it was Corona that took him; he was one of the good ones,” ani Casanova.

Kamala was one of the most believable monsters in wrestling.He played the role perfectly, but was also one of the nicest guys you could meet.”  

Nalungkot naman ang WWE sa balitang namatay na si Harris.

WWE extends its condolences to Harris’ family, friends and fans,” dagdag ni Casanova.

Naging sikat si Kamala sa World Wrestling Federation (WWF) noong dekada 80 at early 90’s.

Siya’y may taas na 6’7 at may bigat na 380 pounds. Ilan sa kanyang astig na wrestling superstars na nakalaban niya ay si Hulk Hogan. Gayundin sina The Undertaker, Andre the Giant at Ultimate Warrior.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga wrestlers sa pagyao ni Harris. Kabilang na rito sina Bill Goldberg, Jerry Lawler, Bret Hart, Jim Ross, Natalia at Tommy Dreamer. Maging ang AEW ay nagpost din ng condolences sa pagpanaw ni Harris.