
PASAY CITY — Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 62-anyos na babae na nagtatangkang magdala ng mahigit dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.7 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa PDEA, ang suspek ay patungo sana sa Bacolod City nang maaresto sa Final Security Screening Checkpoint sa International Departure Area. Nasa kanyang hand carry baggage ang dalawang kilo ng puting kristalinang substansiya na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Kasama sa mga nasamsam sa operasyon ang isang cellphone, digital weighing scale, travel documents, at identification cards ng suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang babae at haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang imbestigasyon para matunton ang iba pang posibleng konektado sa operasyon ng ilegal na droga.
More Stories
Comelec sinimulan na ang pagsira sa 6.7 milyong hindi nagamit na balota para sa 2025 midterm elections
Gatchalian: National certification, scholarships para sa Child Development Workers inilunsad
BuCor magtatayo ng mga halfway house para sa mga papalayang bilanggo