Nagpahayag ng pasasalamat si Navotas City Mayor Toby Tiangco kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nakarekober na pasyente kumpara sa bilang ng naiulat na mga bagong kaso ng COVID-19 nung Linggo.
Sa ulat ng City Health Office kay Mayor Tiangco ang pinakabagong resulta ng swab test na ginawa sa halos 278 na residente ay 255 dito ang negatibo sa virus at 23 ang positibo.
Gayunpaman, ikinatuwa niya na may 39 na mga pasyente ang pinapayagan ng umuwi para makasama ang kanilang mga pamilya nung Linggo din matapos makarekober sa virus at walang naiulat na namatay.
“Nagpapasalamat po tayo na mas marami ang naitalang gumaling kaysa sa nadagdag na mga bagong kaso at wala rin pong naiulat na nasawi dahil sa COVID-19,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Sa pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso sa lungsod, pinaalalahanan ng alkalde ang mga residente na ipagpatuloy ang ginagawang pag-iingat at tiyakin na bago at pag-uwi nila mula sa trabaho siguraduhing walang virus na nakakabit sa mga katawan.
Pinayuhan din niya ang mga nagtatrabaho na residente na iwanan ang kanilang mga sapatos o tsinelas sa labas bago pumasok sa kanilang bahay, maligo kaagad at ihiwalay ang kanilang mga kasuotan sa ibang labahan.
Hiniling din niya sa bawat residente na iwasang kumain nang sama-sama upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Samantala, umabot na sa 891 MECQ violators ang nadakip ng mga Navotas Police kabilang ang 815 na hindi nagsuot ng face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito, 38 lumabag sa curfew at 38 na di sumunod sa distancing.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?