May 26, 2025

Kumuha ng police clearance, lola nabistong may arrest warrant

DINAKIP ng pulisya ang 68-anyos na lola nang mabistong may nabinbin siyang warrant of arrest makaraang kumuha ng National Police Clearance sa Valenzuela City. Biyernes ng hapon.


Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OCI Chief ng Valenzuela police, Dakong alas-2:45 ng hapon nang kumuha ang akusado na residente ng Brgy. Gen T De Leon ng police clearance sa Valenzuela City Police Station.


Gayunman, nang isalang na ang kanyang papel ay lumabas sa pamamagitan ng e-warrant system na may nakabinbint siyang warrant of arrest para sa Sections 254 at 255 of the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.


Ang naturang arrest warrant ay inisyu ng Malabon City Regional Traial Court (RTC) Branch 169, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.


Gamit na body-worm camera bilang pagsunod sa mga operational standards at transparency protocol, dinakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa bisa ng naturang warrant of arrest kung saan ipinaalam din sa kanya ang nalabag niyang batas at kanyang mga karapatan.

Dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurned sa pangangalaga ng Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.