
CALOOCAN CITY — Himas-rehas ang isang 20-anyos na lalaki na wanted sa kasong Statutory Rape matapos masakote ng mga operatiba ng Caloocan City Police sa ikinasang manhunt operation sa Barangay 165, Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nagsagawa ng operasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan Police para tugisin ang akusado, na nakalista bilang No. 4 Top Most Wanted Person (TMWP) sa lungsod at No. 5 TMWP sa buong NPD.
Bandang alas-12:15 ng hatinggabi, natunton ng mga awtoridad ang suspek sa kahabaan ng NPC Road, Barangay 165, na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto.
Ayon kay Col. Doles, ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Family Court Branch 1 noong Abril 22, 2025. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa ngayon, pansamantalang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan Police Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS), habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni Gen. Ligan ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin na ang pagkakaaresto sa suspek ay patunay ng tuloy-tuloy na kampanya ng NPD laban sa kriminalidad.
More Stories
COMELEC, pormal na idineklara ang 52 panalong party-list sa Halalan 2025
PBBM, BUKAS MAKIPAG-AYOS SA MGA DUTERTE
₱440M CASH, TINANGKANG IPUSLIT! 9 DAYUHAN, PAALISIN SA ‘PINAS