
GAGAWARAN ng sertipiko ng pagkilala si businessman / sportsman Master Crisanto Cuevas ng presthiyosong Gilas News Organization Gabi ng Parangal 2025 na gaganapin sa GNO Bulwagang Aldamiro sa Dr.Santos Ave., Sucat sa Paranaque City.
Si Cuevas na isa sa pangunahing personahe na nagpapalawig ng larong Sikaran di lamang sa Tanay; Rizal kundi sa buong kapuluan hanggang ibayong dagat ang personal na tatanggap ng rekognisyon.
Kasalukuyang nasa bansa si Cuevas (secretary- general ng Global Sikaran Federation na nakabase sa Estados Unidos)upang personal na pangasiwaan ang training at preparasyon ng Team Tanay Sikaran na magdedepensa ng kanilang korona sa nalalapit na Sikaran National Championship sa darating na Hunyo, 2025 sa Kalibo, Aklan. “Buong-lugod na iginagawad ng Gilas ang parangal na ito kay Master CRISANTO CUEVAS, nagtatag at pinuno ng GSF Raven Sikaran Tanay sa lalawigan ng Rizal dahil sa kanyang natatanging adhikain na mapalawig sa buong kapuluan at ibang lupain ang orihinal na tradisyunal na pampalakasang sariling sining -marsyal ng mga Pilipino partikular sa bayan ng Tanay kung saan isinilang ang larong Sikaran.
Ipinagkaloob ang GILAS Gabi ng Parangal 2025 sa bulwagan pambalitaan ng Gilas News Organization sa GNO Aldamiro, Dr. Santos Ave., Sucat sa Parañaque City”, pahayag ni event host Danny Simon, Pangulo- Gilas News Oraganization, Editor-in-Chief ng GILAS News at Sportswriter/ Columnist ng TONITE PoliceFiles.
“Nagpapasalamat ako una sa Panginoon, sa Gilas News Organization ni G.Editor Danny Simon, Gilas News at Tonite PF sa rekognisyon at maraming salamat sa agapay sa larangan mula sa Kapitolyo at Tanjuatcos na walang sawang sumusuporta sa ating adhikain.
ikinagagalak ko pong ibalita ang patuloy na paglawig ng mga talento sa larangan na tiyak na manggagaling sa kanilang hanay ang. magbibigay ng karangalan para sa bansa sa hinaharap,”ani pa Cuevas. (Heart Angelle Simon)
More Stories
PATRICIA CAUNAN, ITINALAGANG BAGONG OWWA CHIEF; PINALITAN SI ARNELL IGNACIO
VP SARA DUTERTE SA PMA GRADUATES: ‘HUWAG MAGING KASANGKAPAN NG PANG-AAPI AT KASINUNGALINGAN’
BAGONG HALAL NA MGA KONSEHAL NG DAVAO, HAHARAP SA HAMON NG PAMUMUNO AT MGA SULIRANIN NG LUNGSOD