May 15, 2025

Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela

UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD), katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 9, ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas “Ruel”, 41, sliding window installer.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-12:25 ng hating gabi sa kanyang bahay sa Orchid St., Brgy. Karuhatan.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115,600, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money.

Kasong paglabag sa of Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.