
MAYNILA – Inaasahang maipoproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong senador sa katatapos na halalan bago matapos ang linggo, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.
“Baka itong Sabado o Linggo, sana makapagproklama na tayo ng senador. Mabilis naman eh. Tingnan niyo, 98.9% na nga ang nandiyan, kapiraso na lang ang kulang,” ani Garcia nitong Martes.
Bagama’t halos kumpleto na ang election returns (ERs), iginiit ni Garcia na nais pa rin ng Comelec na 100% canvassed ang lahat ng Certificate of Canvass (COC) bago tuluyang magproklama.
“Walang kahit isang COC ang maiiwan pag nag-canvass ang Comelec,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung Mayo 17 (Biyernes) ang pinakamagaang posibleng petsa ng proklamasyon, tugon ni Garcia: “Yes. Sana. Kung papasok lahat ngayon.”
Sa datos ng Comelec transparency servers as of Tuesday noon, nasa 98.99% na ng kabuuang local election returns ang naipapasa na, o katumbas ng 92,453 sa 93,387 na inaasahang ERs.
Nag-reconvene na rin ang Comelec bilang National Board of Canvassers (NBOC) ngayong Martes ng hapon para ipagpatuloy ang opisyal na canvassing ng mga boto sa pagka-senador at party-list.
Abangan ang opisyal na proklamasyon ng mga bagong halal na senador sa mga susunod na araw. ARSENIO TAN
More Stories
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA
UMAWAT SA AWAY PATAY SA MAYNILA