May 13, 2025

GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC

Photo courtesy: Gulf news

MAYNILA — Agad na lumutang sa unahan ng senatorial race sina Sen. Christopher “Bong” Go, dating Sen. Bam Aquino, at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa batay sa partial at unofficial results mula sa Commission on Elections (Comelec), dalawang oras pa lamang matapos magsara ang mga presinto nitong Lunes.

Ayon sa 8:15 p.m. update ng Comelec, nakapasok na ang 67.76% ng mga lokal na election returns at 19.42% ng overseas returns.

Nangunguna si Bong Go na may 14,314,235 boto, sinundan ni Bam Aquino na may 11,883,138, at si Dela Rosa na may 10,847,704.

Kasama rin sa Top 15 sina House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo (9,388,634), dating Sen. Francis Pangilinan (8,685,135), at dating Sen. Panfilo Lacson (8,463,506).

Narito ang kabuuang listahan ng mga nangungunang kandidato:

  1. Christopher Go – 14,314,235
  2. Bam Aquino – 11,883,138
  3. Ronald Dela Rosa – 10,847,704
  4. Erwin Tulfo – 9,388,634
  5. Francis Pangilinan – 8,685,135
  6. Panfilo Lacson – 8,463,506
  7. Vicente Sotto III – 8,336,888
  8. Rodante Marcoleta – 8,152,307
  9. Pia Cayetano – 8,057,337
  10. Camille Villar – 7,296,803
  11. Imee Marcos – 7,263,703
  12. Lito Lapid – 7,242,819
  13. Ben Tulfo – 6,701,301
  14. Ramon “Bong” Revilla Jr. – 6,484,536
  15. Abby Binay – 6,450,315

Para sa real-time updates ng halalan, bisitahin ang VotePH2025 portal ng Comelec.

[Itutok ang mata sa halalan — Oras-oras ang bilangan!]