
Mahigit 4,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang kulungan at penal farms sa bansa ang nakilahok sa 2025 national and local elections ngayong Lunes, Mayo 12, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa kabuuang 4,125 na rehistradong PDL voters, 2,135 ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Kabilang sa iba pang pasilidad na may nakaboto ay ang Davao Prison and Penal Farm (924), Leyte Regional Prison (421), San Ramon Prison and Penal Farm (290), at Iwahig Prison and Penal Farm (140).

Sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, 123 na PDLs ang nakaboto, habang 92 naman mula sa CIW-Mindanao.
Ayon sa BuCor, sinaksihan ng mga foreign observers ang proseso ng botohan, katuwang ang mga tauhan ng BuCor at mga election officer mula sa Muntinlupa City. Dumalo rin sa aktibidad si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.

Paliwanag ng BuCor, pinapayagang bumoto ang mga PDL na hindi pa nahahatulan, yaong may sentensiyang mas mababa sa isang taon, at yaong ang kaso ay may kinalaman sa disloyalty ngunit kasalukuyang umaapela.
Ang partisipasyon ng mga PDL sa eleksyon ay bahagi ng layuning itaguyod ang kanilang karapatang pantao kahit nasa loob ng piitan.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC