
Natodas ang apat na katao makaraang magkasagupa ang dalawang grupo sa Brgy. Langil, Hadji Mohammad Ajul, Basilan ngayong Mayo 11.
Niratrat ng bala sina alyas “Mar” at “Rani” habang nagsasagawa ng inspeksyon sa isang bahay malapit sa paaralan na lalagyan sana ng perimeter fence para sa halalan bukas.
Dedo rin ang dalawang suspek na sina alyas “Imbo” at “Jun” nang barilin ng mga kaanak ng mga biktima at saksing residente. Narekober sa kanila ang dalawang M16 rifle at ilang magazine.
Isang manhunt operation ng pulisya ang isinagawa sa iba pang suspek sa insidente. (BERNIE GAMBA)
More Stories
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela
Lalaki, kalaboso sa bakal sa Caloocan