
BATANGAS — Nilooban ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang isang LBC Express branch sa Barangay Poblacion, Mabini kung saan tinangay ang limang parcel na naglalaman umano ng mga alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P419,216.
Ayon sa ulat ng Mabini Municipal Police Station sa pamumuno ni Acting Chief of Police Major Billy John Mactal, dakong 1:00 hanggang 2:00 ng madaling-araw ng Miyerkules, Mayo 7, nang pasukin ng mga salarin ang nasabing sangay ng LBC.
Si Danny Bautista, kinatawan ng nasabing branch, ang agad na nagtungo sa istasyon ng pulisya upang ireport ang insidente.
Ang LBC branch ay pagmamay-ari umano ng Dr. Paula Bautista na residente ng Brgy. San Antonio, San Pascual, Batangas.Sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang lalaki na gumamit ng bolt cutter upang sirain ang roll-up door, at pagkatapos ay binasag ang salamin ng pasukan.
Pagsapit sa loob, mabilis na kinuha ng mga ito ang limang parcel na nakapangalan kay Marelyn D. Laurente ng Brgy. Anilao East, na naglalaman ng mga assorted jewelry.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi pa matukoy na direksyon.
Patuloy ang follow-up operation at imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at mahuli ang mga suspek. Hindi rin isinasantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na inside job ang insidente. (ERICHH ABRENICA)
More Stories
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY
DOTr SEC. DIZON: MOTOVLOGGERS NA ABUSADO, ‘MATIK’ SUSPENDIDO
CUSTOMS PINURI NI MARCOS SA TAGUMPAY LABAN SA MONEY LAUNDERING