
ARESTADO isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu makaraang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.
Ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas “Boss”, 45, residente ng Brgy. Parada.
Isang tuhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P7,500 halagta ng shabu.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong ala-1:30 ng madaling araw sa M. Delos Reyes Footbridge Bridge, sa E. Francisco St., Brgy. Parada.
Bukod sa nabiling shabu, nakuha pa sa suspek ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na nasa 70 grams at nagkakahalaga ng P476,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money, P100 cash at green sling bag.
Ani SDEU investigator P/MSgt Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.
Pinapurihan naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD) ang Valenzuela police sa kanilang napapanahon at epektibong operasyon.
More Stories
“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City
LBC Mabini, Batangas nilooban: 5 parcel ng alahas na halos P420K, tinangay ng magnanakaw
Ian Sia Out sa Halalan: Diskwalipikado Dahil sa Birong Laban sa Single Moms