
MALABON CITY — Arestado ang tatlong bagong High-Value Individuals (HVI), kabilang ang dalawang babae, matapos matiklo sa isang buy-bust operation ng pulisya madaling araw ng Martes sa Brgy. Ibaba.
Kinilala ng Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang mga suspek na sina alyas “Joy” (36), “Ancheng” (31), at “Michael” (24), isang delivery rider — pawang mga residente ng lungsod.
Sa ulat na isinumite kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang operasyon, katuwang ang PDEA.
Dakong alas-4:00 ng madaling araw, agad sinalakay ng mga awtoridad ang Dulong Herera St., Brgy. Ibaba matapos magpositibo ang transaksyon ng poseur buyer sa mga suspek.
Nasabat sa operasyon ang 50.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P344,760, kasama na ang marked money.
Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City
LBC Mabini, Batangas nilooban: 5 parcel ng alahas na halos P420K, tinangay ng magnanakaw
Ian Sia Out sa Halalan: Diskwalipikado Dahil sa Birong Laban sa Single Moms