
CALOOCAN CITY — Hindi na nakaporma ang isang 38-anyos na lalaki na akusado ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos mahuli ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Caloocan.
Kinilala ito bilang No. 8 sa Top Most Wanted Persons ng lungsod.
Nasakote ang suspek dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Abbey Road 2, Barangay 73 ng mga operatiba mula sa Warrant and Subpoena Section ng Caloocan Police, matapos matunton ang kanyang lungga.
May dala-dalang warrant of arrest ang mga awtoridad na inilabas ng Caloocan City RTC Branch 1 noong Abril 10, 2025 para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(b) ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nasa P180,000 ang inirekomendang piyansa sa kaso ng suspek.
Hindi na nakapalag pa ang lalaki nang arestuhin at agad na dinala sa kustodiya ng pulisya habang inaasikaso ang kaukulang dokumento para sa kanyang pagharap sa korte.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay