
Nagulantang ang mga pasahero at naghatid sa Departure Area ng NAIA Terminal 1 matapos biglang sumibat at bumangga ang isang Ford SUV, na ikinasawi ng dalawang tao kabilang ang isang batang babae, at ikinasugat ng apat pa, nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa paunang imbestigasyon, hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit mula sa pagkakapark ang sasakyan ay biglang umarangkada sa buong bilis, tinamaan ang ilang taong nasa labas ng paliparan. Dead on the spot ang 5-taong gulang na bata at isang 29-anyos na lalaki. Sugatan naman ang ina at lola ng bata, na parehong isinugod sa San Juan de Dios Hospital kasama ang dalawang iba pa.
Ang pamilya ng bata ay nasa paliparan upang ihatid ang ama nitong papunta ng Europe bilang overseas Filipino worker (OFW).
Agad namang dinakip ng mga awtoridad ang driver ng SUV, na ngayon ay nasa kustodiya habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon. Inalis na rin sa lugar ang nasabing sasakyan.
Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang opisyal na pagkakakilanlan ng mga biktima, bagamat may mga post na sa social media na nagpapakita ng impormasyon ukol sa kanila.
Patuloy ding iniimbestigahan kung paano nakalusot ang SUV sa mga bakal na harang sa naturang bahagi ng paliparan. (ARSENIO TAN)
More Stories
Bawal ang Pustahan sa Halalan! Kulong ang Katapat – Comelec
NNIC, Aalisin 27 Abandonadong Eroplano sa NAIA
Rep. Luistro kinasuhan: Ayuda ginamit umano sa pulitika, vote-buying isiniwalat