May 7, 2025

Discaya, Binaha ng Suporta sa Kalawaan: Smart City Plan, Pasabog!

PASIG CITY — Dinumog at dinagsa ng suporta si mayoral candidate Sarah Discaya nitong Sabado ng gabi (Mayo 3) sa Barangay Kalawaan matapos ibulgar ang kanyang pasabog na planong gawing Smart City ang Pasig.

Sa harap ng daan-daang residente, ibinida ni Discaya ang makabagong plataporma na sasaklaw sa trabaho, pabahay, edukasyon, kalusugan, at digitalisasyon ng lungsod — lahat libre at bukas para sa bawat lehitimong Pasigueño!

Kasama sa kanyang grandiyosong plano ang mga sumusunod:

  • 11-palapag na unibersidad
  • 7-palapag na high school
  • High-tech na elementarya
  • Modernong ospital
  • Expanded scholarship para sa mahihirap
  • Aerial rescue & firefighting capabilities
  • Sensor-based traffic system
  • Vertical housing at patayong parking
  • Malawak na esplanade sa Ilog Pasig
  • Command center at anti-crime CCTV network
  • Free Wi-Fi sa buong lungsod
  • Online na transaksyon sa city hall at ospital

Dagdag pa ni Discaya, layunin niyang ipasok ang 10,000 Pasigueño bilang empleyado ng kanyang kompanya, ang St. Gerrard Construction and Development Corp., na ipinangalan sa kanyang anak na si Gerrard.

“Palagi kayong welcome sa City Hall kung saka-sakali,” ani Discaya, na kilala bilang negosyante at pilantropo.

Tila isang miting de avance ang eksena sa Kalawaan nang tanungin niya kung susuportahan siya ng mga tao. Sagot ng crowd? “OO!” — sabay-sabay, malakas, at walang pag-aalinlangan!