May 7, 2025

LAO HINAMON SI VICO: KUNG MALI AKO, IPAKULONG MO ‘KO! (May anomalya sa P9.2B City Hall Project?)

PASIG CITY — Nagbabalik ang matagal nang sigalot sa pagitan nina Mayor Vico Sotto at kontratistang si Engr. Selwin Lao, matapos muling kwestyunin ni Lao ang umano’y “anomalya” sa P9.2-bilyong Pasig City Hall project.

Sa presscon nitong Abril 3, tinawag ni Lao ang proyekto ni Sotto na kaduda-duda at hinamon ang alkalde sa isang harapang inspeksyon sa Mayo 5.

“Bigyan mo lang ako ng computer at calculator, Mayor, ipapakita kong may anomalya sa loob ng anim na oras!” ani Lao. Dagdag pa niya, kung mali siya, handa siyang makulong — pero kung tama siya, dapat daw magbitiw si Sotto.

Hindi na sinagot ni Mayor Vico ang mga paratang. Ayon sa Public Information Office ng lungsod, “The Mayor will not dignify such claims with response.”

Binira rin ni Lao ang paggiba ng 10-taong gulang na steel parking building na aniya’y puwede pa sanang gamitin o pagkakitaan. Tinawag din niyang sobra ang P250M na bayad sa demolisyon.

Sa sagot ni Mayor Sotto “The rest are just repetitive and have already been answered – a clear attempt to get attention.” Aniya, bukas sa publiko ang mga kontrata’t ulat sa proyekto na maaaring i-request sa FOI. “Kung seryoso si Mr. Lao, handa akong samahan siya sa site para makita niya ang buong scope at value ng proyekto.”