
Liga para sa kabataan at estudyante ang tampok na isyu sa ispesyal na sesyon ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Miyerkoles sa Philippine Sports Commission (PSC) VIP Room sa loob ng Rizal Memorial Stadium.
Ibibida ni collegiate and youth basketball organizer Fernando Arimado ang bagong season ng pamosong Philippine Schools Athletic Association (PSAA) sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Inaasahang makakasa ni coach Arimado ang mga opisyal ng liga, gayundina ng mga coach at kinatawan ng mga kalahok na eskwelahan upang talakayin ang mga pagbabago at magiging kaganapan sa pagbubukas ng liga sa Mayo 10.
Inaanyayahan ng bagong halal na Pangulo ng TOPS na si Nympa Miano-Ang ang mga opisyal, miyembro at sports enthusiasts na makiisa sa programa na mapapanood din via live streaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, sa Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong online network na libreng mada-download sa Android mobile phone. (DS)
More Stories
SLL Motorcade sa Cavite-Batangas
LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-1 AT 2: ALAY NI PBBM PARA SA MGA MANGGAGAWA SA LABOR DAY
OCD Bicol, Todo na ang Tugon sa mga Apektado ng Bulkang Bulusan Eruption