
BINALONAN, Pangasinan — Bilang bahagi ng mandato ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magdala ng gobyerno mas malapit sa mamamayan, binuksan ng Land Transportation Office (LTO) ang isang bagong distrito sa Pangasinan, partikular ang LTO-Binalonan District Office, nitong Abril 28.
Sa isang seremonya ng inagurasyon, pinuri ni LTO Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga opisyal mula sa LTO-Region 1, pati na rin si Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico Jr., Gov. Ramon Guico III, at Binalonan Mayor Ramon Ronald Guico IV, sa kanilang mga pagsusumikap para matulungan ang pagtatayo ng bagong opisina. Kabilang sa mga kontribusyon nila ang pagtukoy ng lokasyon, donasyon ng lupa, at ang konstruksyon ng gusali.
“This is one of the best district offices that I visited. And the construction and the opening of this district office is timely because in the coming days, we have additional work to do which include the distribution of more license plates,” pahayag ni Asec. Mendoza.
Ayon pa kay Mendoza, ang bagong opisina ay magsisilbing malaking tulong sa mga mamamayan ng Pangasinan at makikinabang ang milyon-milyong tao sa mabilis at komportableng serbisyo ng LTO.
Rep. Guico, sa kanyang talumpati, inilahad ang mga hamon na kanilang hinarap kasabay ng mga lokal na opisyal ng LTO upang magtatag ng bagong distrito sa Binalonan, at ipinagpasalamat ang pagsisikap ni Asec. Mendoza na maihatid ang pinakamahusay na serbisyo sa mga tao ng Pangasinan.
Ang LTO-Binalonan District Office ay isa sa mga bagong opisina ng LTO na binuksan sa ilalim ng direktiba ni Secretary Vince Dizon na magbukas ng mga karagdagang LTO offices upang mapadali ang digital na proseso ng ahensya.
Ayon kay Asec. Mendoza, kasabay ng pagtatayo ng mga bagong opisina, may mga plano ring pag-upgrade sa mga existing district offices tulad ng Catanauan, Quezon, Bug, Zamboanga Sibugay, at marami pang iba.
“Ang mga bagong distrito at pag-upgrade sa mga existing offices ay magsisilbing malaking tulong para pabilisin ang mga transaksyon at magbigay ng mas maginhawang serbisyo sa mga kliyente ng LTO,” dagdag ni Asec. Mendoza.
Pinasalamatan din ni Asec. Mendoza ang mga kasamahan sa gobyerno at mga lokal na opisyal na nagsusumikap para sa mas mabilis at mas mahusay na serbisyo para sa bawat Filipino.
More Stories
LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-1 AT 2: ALAY NI PBBM PARA SA MGA MANGGAGAWA SA LABOR DAY
OCD Bicol, Todo na ang Tugon sa mga Apektado ng Bulkang Bulusan Eruption
Trillanes, ‘Di Pinatulan ang Hamon ni Robin Padilla: “Parang Bata, Napakababaw”