
MANILA — Nagbigay-pugay si Senadora Cynthia Villar kay Pope Francis ngayong araw, Abril 28, sa pamamagitan ng paglagda sa Book of Condolence sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue, Maynila.
Malugod siyang sinalubong at tinanggap ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown sa nasabing seremonya bilang pagpapakita ng pakikiisa at pagmamahal ng Pilipinas sa Santo Papa.
Ang mensahe ni Senadora Villar ay patunay ng matibay na pananampalataya at suporta ng sambayanang Pilipino sa pamumuno ni Pope Francis, na itinuturing na ilaw at gabay ng mga Katoliko sa buong mundo. (DANNY BACOLOD)

More Stories
4 Pinoy na Nabiktima ng Human Trafficking sa Cambodia, Nailigtas; BI Nagbabala sa Pekeng Job Offers
Banggaan nina Rep. Ading Cruz at Lino Cayetano sa Taguig-Pateros, Lalong Umiinit sa Papalapit na Halalan
2 Bangkay na Nakatali ang Kamay, Natagpuan sa Boundary ng San Mateo at Antipolo