
Mas pinadali na ng Department of Finance (DOF) ang proseso para sa pag-avail ng tax incentives sa sektor ng edukasyon — hakbang na layong hikayatin ang pribadong sektor na mas mamuhunan sa paghubog ng human capital ng bansa.
Sa ilalim ng Revenue Regulations (RR) No. 13-2025, na pirmado ni Finance Secretary Ralph G. Recto noong Marso 17, 2025, tinanggal na ang mga luma at komplikadong patakaran na matagal nang sagabal sa pagkuha ng benepisyo ng mga pribadong kompanyang tumutulong sa edukasyon at training.
“By prioritizing education, we are creating more opportunities to uplift the lives of every Filipino,” pahayag ni Recto.
Sakop ng bagong regulasyon ang mga insentibo mula sa RA 8525 (Adopt-a-School Program), RA 12063 (Tulong Trabaho Act), at ilang probisyon ng Tax Code, na ngayon ay pinagsama-sama at pinasimple ang mga requirements.
Layunin nito na mas padaliin ang public-private partnerships (PPP) sa mga proyekto para sa basic education, technical training, at workforce upskilling, na pasok sa mga prayoridad ng Philippine Development Plan 2023–2028 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Epektibo ang RR No. 13-2025 simula Abril 17, 2025 — labing-limang araw matapos ilathala sa BIR website.
More Stories
No. 8 MOST WANTED SA PASIG, ARESTADO SA ISABELA!”
BITIN ANG BIDA! 2025 PBA All-STAR, KAKANSELAHIN NA
Scam Alert: DMW Binalaan ang OFWs sa Pekeng Pautang sa Facebook