November 24, 2024

Maraming OFW na umaasa sa tulong ng TESDA

MARAMING overseas Filipino workers ang sumangguni sa Agila ng Bayan kaugnay sa ibinibigay na tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kanila.

Ito’y matapos ianunsiyo ni TESDA Deputy Director General John Bertiz ang magandang balita na inilabas ng Agila ng Bayan na may pamagat na “Mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya! OFWs tutulungan ng TESDA” noong Hulyo 30, 2020.

Kaya sa mga interesadong OFW na nawalan ng trabaho at napauwi dahil sa pandemic na nais mag-apply ng libreng training programs mag-download lamang sa cellphone ng TESDA mobile app at mag-fill up ng form.

Matapos mag-fill up ay ididiretso na sa mga lalawigan kung saan uuwi ang mga OFW na tatawagan ng opisina nila para masali sa training program.

Pipili ang mga OFW ng programang nais nila na ilagagay sa kanilang aplikasyon.

Isa sa maituturing na in-demand training ngayon ay sa agrikultura para matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa sa gitna na rin ng COVID-19.