
QUEZON CITY — Tanggal agad sa puwesto si Police Brig. Gen. Melecio Buslig Jr., District Director ng Quezon City Police District (QCPD), matapos pumutok sa social media ang video ng isang lasing na pulis-sergeant na umano’y pumasok sa bahay ng isang babae, nambastos, at sinaktan pa raw ang menor de edad nitong anak!
Ang insidente, na naganap sa Brgy. Damayan noong madaling-araw ng April 22, ay nag-viral matapos ibahagi sa social media ang aktwal na video ng pagmamalupit umano ng pulis. Agad namang inaresto ang suspek, tinanggalan ng baril, at sinampahan ng multiple criminal at administrative charges.
Hindi pinalampas ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang isyu at sinibak si Buslig bilang pagpapakita ng command responsibility.
“Walang puwang sa PNP ang mga abusado at manyakis na naka-uniporme. Ang mga tao ay dapat protektahan, hindi takutin,” mariing pahayag ni Marbil.
Dagdag pa ni NCRPO Director Maj. Gen. Anthony Aberin, isa sa malaking pagkukulang ni Buslig ay ang hindi agad pagreport sa mas mataas na opisina. Mas nauna pa raw siyang nakatanggap ng impormasyon mula sa hepe ng Baler Police Station kaysa kay Buslig mismo.
Ipinanindigan ni Gen. Aberin na may zero-tolerance policy sila laban sa mga pulis na lumalabag sa batas.
“Hindi kami nagbibiro. Kung pulis ka at nag-abuso ka, kakasuhan ka, aarestuhin ka, at sisibakin ka — walang palusot,” babala ni Aberin.
STATUS NG KASO: Nasa kustodiya na ng pulisya ang pulis-sergeant, habang si Col. Randy Glenn Silvio ang pansamantalang uupo bilang Officer-in-Charge ng QCPD.
More Stories
“TINAPAYAN, BINAHIRAN NG DUGO! 7 PATAY SA ANTIPOLO MASAKER”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
Lalaki, kulong sa pagyayabang ng baril tuwing malalasing