
Nagpahayag ng matinding lungkot si Barni Alejandro-Rennebeck, anak ng OPM icon na si Hajji Alejandro, sa kanyang Facebook post kung saan inawit niya ang kantang pinasikat ng kanyang ama—ang klasikong “Ang Lahat ng Ito’y Para Sa ’Yo.”
Makikita sa video na labis ang emosyon ni Barni habang kumakanta, tila katatapos lamang umiyak, kasabay ng pagbitiw ng mga salitang,
“I love you, Daddywaps… I’m gonna miss you forever.”
Sa kanyang caption, sinabi pa ni Barni:
“I can’t fathom a life without you. My heart is broken into a million pieces. You were my first love, my hero, my idol. Forever, your Yabs!” 💔
Bagama’t walang direktang pahayag tungkol sa sinapit ni Hajji, kapansin-pansin ang mga komento ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at tagasuporta, na tila kumpirmasyon ng isang malungkot na balita.
“The Best Lolowaps”
Sa profile picture ni Barni, makikita ang isang litrato ni Hajji kasama ang isang batang babae, may caption na “The Best Lolowaps.” Updated din ang kanyang cover photo kung saan kasama niya ang buong pamilya, kabilang na si Hajji at ang kanyang mga kapatid.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya Alejandro, ngunit malinaw sa social media tribute ni Barni ang bigat ng kanyang dinaramdam.
Ang Original Kilabot ng Mga Kolehiyala, si Hajji Alejandro, ay isang haligi ng OPM na naging bahagi ng buhay ng maraming Pilipino sa kanyang mga walang-kupas na awitin.
More Stories
BUGOK NA PULIS, NANAKOT AT NANAKIT — QCPD CHIEF DAMAY SA TANGGALAN
“TINAPAYAN, BINAHIRAN NG DUGO! 7 PATAY SA ANTIPOLO MASAKER”
Lalaki, kulong sa pagyayabang ng baril tuwing malalasing