
IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, at First Gentleman Ricky Sandoval ang ika-24th Cityhood Anniversary nito kung saan hinikayat nila ang mga Malabueño na pahalagahan ang pagkakaisa at patuloy na magsikap para sa isang mas progresibong lungsod.
“Maligayang ika-24 na Anibersaryo, Malabon! Napakahalaga ng araw na ito sa ating kasaysayan. Noong 2001, tayo’y naging lungsod—isang hakbang na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ng bawat Malabueño. “Nawa’y ipagpatuloy natin ang pagkakaisa at bayanihan, dahil ito ang susi sa isang maayos, masagana, at maunlad na komunidad.” ani Mayor Jeannie.
Ang Malabon ay naging lungsod noong Abril 21, 2001, sa pamamagitan ng Republic Act 9019, na inakda na noon ay si Congressman Ricky Sandoval.
“Ang RA 9019 ay bunga ng paninindigan at pagkakaisa ng mga Malabueño,” aniya. “Kasama si Mayor Amado Vicencio, isinulong natin ang mas mataas na Internal Revenue Allotment, dagdag pondo para sa imprastruktura, at mas maraming oportunidad para sa lahat.”
Ang conversion ng lungsod ay humantong sa makabuluhang paglago sa pagpapabuti sa ekonomiya, mas mahusay na pamamahala, at mga pangunahing proyekto sa imprastraktura tulad ng flood control systems, schools, health centers, pumping stations, floodgates, at improved roads.
Ani Mayor Jeannie, ang mga programang inilunsad mula noong pagiging lungsod, ay ang Malabon Ahon Blue Card na nakatulong sa 90,000 residente, Pabahay na nagbigay ng Certificates of Entitlement to Lot Allocation sa 700 residente, 11-storey mid-rise project sa Brgy. Tinajeros at bagong housing project sa Brgy. Potrero, at Scholarships na nakatulong sa 6,500 mga iskolar na mag-aaral mula sa Pamantasang Lungsod ng Malabon.
“Bilang inyong Punong-Lungsod, karangalan ko pong itaguyod ang isang mas makabago, makatarungan, at masaganang Malabon. Sama-sama po tayong magtagumpay,” pahayag ni Mayor Sandoval.
More Stories
BUGOK NA PULIS, NANAKOT AT NANAKIT — QCPD CHIEF DAMAY SA TANGGALAN
“TINAPAYAN, BINAHIRAN NG DUGO! 7 PATAY SA ANTIPOLO MASAKER”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”