
Magising tayo, mga kababayan! Hindi pelikula ang gobyerno, at lalong hindi dapat maging entablado ng eksena ang Senado!
Oo, si Robin Padilla ay hinahangaan noon sa kanyang mga action movies—matapang, palaban, at laging panalo sa huli. Pero sa tunay na buhay, lalo na sa loob ng Senado, hindi sapat ang tapang kung kulang ka sa talino, husay, at malasakit. Imbes na respeto, tawa raw ang sagot ng ilang senador sa kanyang mga sinasabi—dahil sablay, dahil mababaw, dahil walang saysay.
Hindi ito personal na atake, kundi paalala: ang Senado ay hindi para sa mga artista lang—ito ay para sa mga taong may kakayahan, prinsipyo, at paninindigan.
At huwag nating kalimutan: si Robin ay isa sa mga tagapagtanggol ng madugong giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon. Isang giyerang libo ang namatay—marami ay mahihirap, inosente, walang laban. Nasaan ang hustisya? Wala. Kasi ang mga nasa kapangyarihan noon, at pati na ngayon, ay parang bulag, pipi, at bingi.
Bayan, hanggang kailan tayo magbubulag-bulagan?
Papalapit na naman ang halalan. Paulit-ulit na lang ba tayong bibiktima sa kilig at kasikatan? Paulit-ulit na lang ba tayong makakalimot sa mga aral ng kasaysayan?
Ngayong May midterm elections, ito na ang pagkakataon nating ituwid ang baluktot. Piliin natin ang mga pinunong may utak, may puso, at higit sa lahat—may paninindigan para sa katotohanan at katarungan.
Tama na ang acting. Gusto na natin ng tunay na public service.
Bumoto tayo nang may isip. Bumoto tayo nang may puso. Bumoto tayo nang tama!
More Stories
BUGOK NA PULIS, NANAKOT AT NANAKIT — QCPD CHIEF DAMAY SA TANGGALAN
“TINAPAYAN, BINAHIRAN NG DUGO! 7 PATAY SA ANTIPOLO MASAKER”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”