
MANILA — Delikado!
Maliit pero nakamamatay—‘yan ang babala ni Manila 2nd District Congressman Rolan “CRV” Valeriano hinggil sa mga maliit na LPG tanks na ginagamit sa loob ng bahay, kahit pang-outdoor lang dapat ang gamit nito.
Ayon sa mambabatas, dapat nang maglunsad ng imbestigasyon at review ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa importasyon, paggawa, at bentahan ng LPG tanks na mas maliit sa 11kg.
“Mainit ang usok kapag tanghali—at mainit din ang tangke! Kapag nasobrahan ng gamit, maaaring sumabog,” ani Valeriano.
Nitong linggo lang, tatlong miyembro ng pamilya ang nasugatan nang sumabog ang maliit na tangke sa Taytay, Rizal. Ayon sa ulat, ini-install pa lang ang tangke sa loob ng sari-sari store nang biglang magliyab.
Bukod sa LPG tanks, nananawagan din si Valeriano sa DTI na imbestigahan ang paggamit ng butane canisters at portable stoves na nagiging alternatibo ng ilan.
“Bago pa may madagdag sa listahan ng mga nabibiktima, dapat may malinaw na patakaran at warning labels. Kailangan ng aksyon ngayon na!” (ARSENIO TAN)
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON