
Sa gitna ng kumpirmadong dalawang bagong kaso ng monkeypox (mpox) sa Davao City, muling nanawagan si Senator Bong Go sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga health protocols para iwas sakit.
Nitong Linggo, Abril 20, iginiit ng reelectionist senator na dapat palakasin ang disease surveillance sa lahat ng rehiyon kasunod ng balitang may pasyenteng immunocompromised na pumanaw habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)—bagamat ang ikinamatay umano ay hindi direktang sanhi ng mpox.
Ang dalawang kaso ay kinumpirma ng Davao City Health Office (CHO) katuwang ang DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).
“’Wag mag-panic, pero mag-ingat!” babala ni Go. “Laging maghugas ng kamay, umiwas sa may sintomas, at magpatingin agad kapag may nararamdaman!”
Matatandaang may naitalang kaso ng mpox sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, at maging sa Baguio City nitong mga nakaraang buwan.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Health, inulit ni Go ang “apat na simpleng hakbang” para makaiwas sa virus:
- Iwasang makipaglapit sa taong may sintomas.
- Laging maghugas ng kamay.
- Linisin ang mga gamit at lugar na maaaring kontaminado.
- Layuan ang mga hayop—lalo na kung mukhang may sakit!
“Hindi sapat ang ‘pukpok lang kapag may outbreak’,” giit pa ni Go. “Dapat may matibay na sistema, plano, pondo, at sapat na kaalaman para sa bawat Pilipino.”
Ipinanawagan din ng senador ang agarang pag-apruba ng Senate Bill No. 195, na layong magtatag ng Philippine Center for Disease Control (CDC) para sa mas mabilis at episyenteng tugon sa mga public health threats.
“Kung may CDC tayo, hindi na tayo aantay ng kumpirmasyon bago kumilos. Mas mabilis tayong makakagalaw at makakapagligtas ng buhay,” diin pa niya.
TAANDAAN: Hindi uso ang “bahala na” pag kalusugan ang usapan!
Mag-ingat, maging alerto, at huwag hayaang kalabanin tayo ng sakit nang walang laban!
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA