April 19, 2025

ICC, inutusan ang prosekusyon na isumite ang ebidensya laban kay Duterte bago ang Hulyo 1

Inatasan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber 1 ang prosekusyon na isumite ang lahat ng ebidensya na gagamitin laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hindi lalampas ng Hulyo 1, kaugnay sa kasong crimes against humanity.

Ayon sa ICC, kabilang sa mga kailangang isiwalat ay ang:

  • Mga pahayag ng saksi at pagsasalin nito
  • Mga ebidensyang pabor sa akusado (exculpatory)
  • Mga dokumentong may kaugnayan sa depensa

Hindi na isasama ang anumang ebidensyang isusumite pagkatapos ng Hulyo 1 sa gagawing pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga paratang.

Nabanggit ni ICC Prosecutor Karim Khan na may inihahandang:

  • 2 saksi,
  • 16 oras ng audio-video recordings, at
  • halos 9,000 pahina ng dokumento

Samantala, pinayagan pa rin ng korte ang prosekusyon na magsumite ng mga ebidensyang pabor sa depensa kahit lampas na sa deadline, basta’t sumusunod sa itinakdang proseso.