April 19, 2025

PBBM: Sakripisyo ni Kristo, Magsilbing Lakas ng mga Pilipino

Sa kanyang mensahe ngayong Biyernes Santo, nanalangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang sakripisyo ni Hesus ay magbigay ng lakas at gabay sa bawat pamilyang Pilipino.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang paghihirap ni Kristo ay nagbigay kahulugan sa pananampalataya, awa, at kapatawaran.

“Nawa’y magsilbing lakas at gabay ang araw na ito sa bawat pamilyang Pilipino,” anang Pangulo.