
Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 28 insidente nitong Biyernes Santo, karamihan ay mga kaso ng pagkalunod, sa gitna ng paggunita ng mga Pilipino sa Mahal na Araw.
Ayon sa inilabas na media readout ng PNP, 16 kaso ng pagkalunod ang naitala sa iba’t ibang rehiyon. Bukod dito, mayroong dalawang vehicular crash sa Metro Manila at Cagayan Valley.
Naitala rin ang tatlong sunog sa Metro Manila, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula, habang isang kaso ng arson ang iniulat sa Negros Island Region.
Gayunpaman, sinabi ng PNP na generally peaceful pa rin ang naging pagdiriwang ng Semana Santa sa kabila ng mga insidenteng ito.
Bilang bahagi ng kampanyang Ligtas SUMVAC 2025, nag-deploy ang PNP ng 68,465 pulis sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Sa detalye ng deployment:
- 19,120 ang naka-assign sa mga simbahan at lugar ng pananampalataya
- 18,283 sa mga pangunahing kalsada
- 8,711 sa mga terminal at transportation hubs
- 10,125 sa mga commercial areas
- 12,226 sa mga tourist spots at iba pang mataong lugar
Patuloy ang paalala ng PNP sa publiko na maging maingat at mapagmatyag, lalo na sa mga mataong lugar ngayong bakasyon.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon