
Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms at paglabag sa election gun ban ang pitong pulis na umano’y sangkot sa pamamaril kay Kerwin Espinosa, kandidato sa pagka-alkalde ng Albuera, Leyte, ayon sa Leyte Provincial Police Office.
Ayon kay Provincial Director Police Col. Dionisio Apas Jr., ilan sa 14 na baril na narekober mula sa mga pulis ay hindi rehistrado, kabilang na ang ilang riple at pistola.
Sa ngayon, ang pitong persons of interest ay nasa administrative custody habang isinasagawa ang imbestigasyon at sasailalim sa mga administrative proceedings.
Bagama’t hindi pa pinangalanan ang mga pulis, kinumpirma ni Col. Apas na kabilang sa kanila ang isang police colonel, lieutenant colonel, staff sergeant, tatlong corporal, at isang patrolwoman.
Paliwanag ni Apas, hindi pa sila maituturing na mga suspek habang nagpapatuloy pa ang beripikasyon ng kanilang posibleng direktang kaugnayan sa insidente. (BG)
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon