
Nanawagan ng hustisya ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), at Philippine Exporters Confederation (PhilExport) kaugnay sa pagkidnap at pagpatay kay Filipino-Chinese businessman Anson Que (kilala rin bilang Anson Tan) at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.
Sa isang joint statement, binigyang-diin ng mga grupo na hindi ito isang karaniwang krimen, kundi isang hamon sa Philippine National Police (PNP) at insulto sa mga tagapangalaga ng kaayusan sa bansa. Ayon pa sa kanila, si Que ay isang kilalang negosyante, pilantropo, at haligi ng Filipino-Chinese community na dekada nang nagnenegosyo sa bansa.
Dinukot si Que habang kumakain sa isang restaurant sa Metro Manila, at kalaunan ay natagpuang patay kasama si Pabillo sa Rodriguez, Rizal.
Hinimok ng mga grupo ang PNP at pamahalaan na panagutin ang nasa likod ng krimen upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad — isang mahalagang salik para sa mga mamumuhunan at turista. (ARSENIO TAN)
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon