
Malugod na tinanggap ni Meralco chairman at CEO Manny V. Pangilinan ang balita tungkol sa pagpasa ng batas para sa franchise renewal ng kumpanya sa loob ng panibagong 25 taon, na kanyang tinawag bilang “recognition of our role in helping power the nation’s growth.”
Para sa business tycoon, ang franchise renewal ay hindi lamang isang karaniwang tagumpay para sa Meralco, kundi isang malinaw na ‘go signal’ upang ipagpatuloy ang mga plano nito para sa mas maaasahan, matatag, at abot-kayang serbisyo sa kuryente para sa milyun-milyong Pilipino.
“This development fortifies our commitment to deliver stable, reliable, and affordable electricity to millions of Filipinos across our franchise area,” mensahe ni MVP sa isang pahayag.
Sa bisa ng panibagong prangkisa, inihahanda na ng Meralco ang mas malawak na mga proyekto para palakasin ang distribusyon ng kuryente sa mga tahanan, negosyo, at industriya.
Binanggit din ni MVP ang kahalagahan ng modernisasyon at pagpapalawak ng distribusyon ng kumpanya upang maging mas handa sa mga hamon ng klima at mas makaangkop sa pangangailangan ng publiko.
“With the continued trust of our leaders and stakeholders, we remain committed to transparency, regulatory compliance, and corporate social responsibility,” mensahe ni MVP.
“Meralco stands firm in its mission to support the Government’s nation-building agenda, drive economic progress, and improve the lives and economic well-being of our people,” pagtatapos ni MVP.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon