
KALABOSO ang dalawang basurero matapos suntukin at martilyuhin sa ulo ang 56-anyos na mister na sumita sa ginagawa nilang pagsisiga sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nahaharap sa kasong attempted murder ang mga suspek na sina alyas ‘Castro’, 35, ng Hagonoy, Bulacan, at alyas ‘Boduso’, 27, ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa pahayag ng biktimang si alyas “Romy”, ng Brgy. Malnaday kay police investigator PSMS Regor Germedia, napansin niyang nagsisigawa ang mga suspek sa tabi ng kanyang tindahan sa kanto ng Libiran St., McArthur Higway, kaya sinita niya ang mga ito baka maari aniya itong maging sanhi ng sunog.
Subalit, nang pagtalikod ng biktima, bigla nalang siyang sinutok sa likod ni alyas Boduso habang kumuha naman si alyas Castro ng martilyo at pinukpok sa ulo si alyas Romy.
Isang concerned citizen naman ang humingi ng tulong sa Dalandanan Police Sub-Station 6 kaya agad inatasan ni SS6 Commander P/Capt. Doddie Aguirre sina PMSg George Combate at PSSg Melvic Pingad na nagpapatrolya malapit sa naturang lugar.
Kaagad naman rumesponde sina PMSg Combate at PSSg Pingad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nakumpiska sa kanila ang ginamit na martilyo sa pamumukpok habang dinala naman biktima sa Valenzuela Medical Center para magamot ang tinamong sugat sa ulo.
“Pinalalabas po talaga namin ang ating mga police mobil at nag-iikot sa kani-kanilang area of responsibility para mabilis na makaresponde sa mga ganitong pangyayari, at binabati ko po ang ating kapulisan sa kanilang dedikasyon sa trabaho gaya nito,” pahayag ni Col. Cayaban.
More Stories
PRANGKISA NG MERALCO PINALAWIG PA NG 25 TAON, IKINALUGOD NI MVP
DISQUALIFICATION CASE VS PASIG POLL BET IAN SIA, UNTI-UNTI NANG UMUUSAD
Operator ng pasugalan at 11 mananaya arestado sa huli week “Oplan Bolilyo” ng CIDG Batangas