April 20, 2025

Whistle blower na si Sandra Cam pumanaw na, 64

PUMANAW na si dating Philippine Charity Sweep Office (PCSO) board member Sandra Cam nitong Huwebes, Abril 19,


Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kanyang anak na si Marco Martin ang pagpanaw ng kanyang 64-anyos na ina.

“It is with heavy hearts that we announce the passing of our dearly beloved mother, Sandra Abaño-Martinez-Cam,” saad sa post.

“Sandra Cam was born and raised in the humble town Batuan, Masbate. She is a faithful woman of God and was known for her dauntless courage, bold spirit and unwavering dedication as a diligent fighter for truth,” ayon pa sa kaniyang anak.

Binanggit din niya ang mga parangal at pagkilala na natanggap ng kaniyang ina tulad ng “Dangal ng Bayan,” “Natatanging Filipina na sumusulong sa Pagtulong at Paglaban sa Korapsyon,” at “Outstanding Asian Public Servant and Educator.”

Saad pa ng anak, ang kaniyang “Mama Ningning,” “was a resilient single mother who raised three sons into strong, capable men — each one carrying forward her legacy of serving the Filipino with courage and compassion.”

Naging whistleblower o nagbunyag si Cam tungkol sa operasyon ng jueteng, at pinamunuan ang Whistleblowers Association of the Philippines.

Noong 2016, kumandidato siyang senador pero hindi pinalad na manalo.

Nakaburol ang kaniyang mga labi sa St. Peter Chapels sa Parañaque City, at magsisimula ang viewing sa Biyernes sa ganap na 6 p.m. (BG)