
LAGLAG sa rehas ang isang manyakis na kelot na akusado sa kaso ng statutory rape matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.
Ipinag-utos ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 28-anyos na helper na nakatala bilang Top 10 Most Wanted Person sa lungsod.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Cortes na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan, agad ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Police Sub-Station 4 ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-5:45 ng hapon sa Maya Maya Street.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cortes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court Branch 9, FC noong March 25, 2025 para sa kasong Statutory Rape (2 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facilty Unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni Northern Police District Director P/BGen. Josefino Ligan, ang Navotas police sa kanilang matagumpay na operation.
“This arrest demonstrates our unwavering commitment to pursuing those who have committed heinous crimes and ensuring that they are brought to justice. We will continue to work tirelessly to protect our communities and uphold the rule of law,” ani Gen. Ligan.
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY