
TIKLO ang dalawang tulak na high value individuals (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang naarestong mga suspek na sina alyas “Ronald”, 43, ceiling installer at alyas “Fedinand”, 42, vendor at kapwa residente ng Antipolo, Rizal.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagpanggap na buyer.
Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kung saan pumayag umano ang mga suspek na sa Caloocan gaganapin ang kanilang transaksyon.
Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang mga suspek dakong alas-4:01 ng hapon sa Brgy. 28 ng lungsod.
Ayon kay Col. Canals, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 250 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P1.7 milyon, buy bust money na isang tunay na P500 at 27-pirasong P1,000, belt bag at P200 cash.
Kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
“This successful operation demonstrates the unwavering resolve of the Northern Police District to rid our communities of the scourge of illegal drugs,” ani General Ligan.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na