
Hindi papalitan bilang pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA Special Operations Group-Strike Force (SOGSF) si Gabriel Go, ayon sa desisyon ni MMDA chairman Atty. Don Artes.
Sa halip na parusahan, sasailalim si Go sa limang araw na mentorship training sa pamumuno, disiplina, at stress management, sa ilalim ni Edison Nebrija ng MMDA Traffic Education Division.
Binigyan babala ng MMDA Legal and Legislative Affairs Staff sa posibleng mas mabigat na parusa kung mauulit ang insidente. Itoy matapos ang administratibong reklamo laban kay Go dahil sa paninita sa isang pulis noong March 25.
Binabalaan din ng MMDA ang kanilang mga enforcer na pairalin ang maximum tolerance, diplomasya, at propesyonalismo. (BG)
More Stories
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
NWC HINIMOK SI MARCOS NA I-CERTIFY AS URGENT ANG P200 LEGISLATED WAGE HIKE
WELCOME BACK, VP SARA – HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER