
Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) intelligence division ang isang lalaking Russian vlogger na nag-viral sa social media dahil sa ginagawa niyang panghaharas sa mga Pinoy sa Bonifacio Global City (BGC).
Kinilala ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan, Jr, ang naarestong dayuhang vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, 33, na tinaguriang “undesirable foreign national.”
Nagalit ang mga netizens sa mga ipinost na video ni Vitality habang binabastos ang ilan nating kababayan sa bisinidad ng BGC.
Isinagawa ang pagdakip sa kanya ng BI sa pakikipagtulungan ng PNP Makati at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos ireklamo ng mga security guard at ilang empleyado ng mga mall sa Taguig City.
Ayon kay Manahan, ililipat si Vitaly sa BI dentention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguigm habang hinihintay ang deportation proceedings. “The Philippines welcomes visitors from all over the world, but those who abuse the country’s hospitality and violate our laws will be held accountable, adding that harassment and disruptive behavior have no place in our society, and swift action will always be against offenders,” ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval. (ARSENIO TAN)
More Stories
HAMON KAY PASIG BET ATTY. SIA: KANDIDATURA IATRAS (Matapos ang mahalay na joke sa mga single mom)
KOREANO NA WANTED SA FINANCIAL FRAUD TIMBOG SA NAIA 3
MMDA KASADO NA SA SEMANA SANTA