
TIKLO ang isang drug pusher na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.5 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals na positibo ang natanggap ng impormasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng 43-anyos na lalaki na residente ng Brgy. 188.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU na nagpanggap na buyer, agad nilang isinagawa ang buy bust operation laban sa target sa koordinasyon sa PDEA.
Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-3:34 ng madaling araw sa Sta. Rita St., Brgy., 188.
Ani Col. Canals, nakumpiska sa suspek ang nasa 85 grams ng hinihinalang shabu shabu na may estimated street value na P578,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P1,000 boodle money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor Office.
More Stories
HAMON KAY PASIG BET ATTY. SIA: KANDIDATURA IATRAS (Matapos ang mahalay na joke sa mga single mom)
KOREANO NA WANTED SA FINANCIAL FRAUD TIMBOG SA NAIA 3
BASTOS NA RUSSIAN VLOGGER ARESTADO SA PANGHAHARAS NG MGA PINOY SA BGC – BI