
BAGSAK sa rehas ang isang wanted na kriminal matapos masangkot sa karumal-dumal na pagpatay, mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang matiklo ng pulisya sa Caloocan City.
Dakong alas-12:10 ng hating gabi nang dakpin ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals ang 58-anyos na puganteng si alyas “Cardo” sa kanyang tinutuluyang lugar sa Ipil St. Brgy. 172.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na hindi na nagpakita sa kanyang tirahan sa lalawigan ng Bulacan si alyas Cardo nang masangkot sa kasong pagpatay sa Caloocan City mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.
Nang makatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police hinggil na pamamalagi sa Brgy. 172 ng akusado, ikinasa nila ang pagtugis, katuwang ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8.
Ang akusado inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas noong Agosto 3, 2023 ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Primo Elvin Lobina-Siosana ng Branch 128 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Nakapiit pansamantala sa Custodial Facility ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng WSS ang akusado habang hinihintay pa ang utos na hukuman para sa pagliipat sa kanya sa Caloocan City Jail.
More Stories
NSC NAALARMA SA PAGKAKAARESTO SA 3 PINOY SA CHINA NA INAKUSAHANG ESPIYA
PLAKANG ‘8’ SA VIRAL ROAD RAGE PEKE RAW
Miyembro ng criminal gang, tiklo sa pagbebenta ng baril