
NASAMSAM sa dalawang high-value individuals (HVIs) ang mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, dakong alas-9:52 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang suspek na edad 51-anyos at 19, sa buy bust operation sa Lucia St., Brgy., 71.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na nakuha sa mga suspek ang nasa 205 grams ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P1,394,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Canals hinggil sa umano’y iligal drug activities ng mga suspek kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaarestp sa dalawa.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO